Nakabalik na sa Pilipinas ang singer na si Geneva Cruz matapos ang mahigit anim na taon na paninirahan sa US.

Kasama niton sa pag-uwi ay ang anak nitong si London.

Sinabi nito na agad na minahal ng kaniyang anak ang Pilipinas lalo ang medyo mainit na panahon ganun din ang mga dagat.

Inamin nito na nami-miss niya ang isa niyang anak na si Heaven na nagpasyang manatili sa US.

Hindi na rin nahirapan ang singer sa pag-adjust dahil dito siya sa bansa isinilang at lumaki.