Ipinakilala na ng singer na si Geneva Cruz ang kaniyang nobyo.
Sa social media account nito ay ipinost ng actress ang larawan ng nobyo na si Dean Roxas.
Ang nobyo nito ay miyembro ng Philippine Brazilian Jujitsu naitonal team at coach sa Lucas Lepri Philippines.
May caption pa ito sa kaniyang post sa ilang mga torneo na nilabanan ng nobyo at ang ilang papalapit na laban na kaniyang dadaluhan.
Lumabas na ang nobyo sa Christmas music video ng nobyo noong nakaraang taon.
Taong 1995 ng ikinasal ang singer sa drummer ng bandang Introvoyz na si Paco Arespaccochaga kung saan sila ay may anak na si Heaven hanggang ma-annulled ang kanilang kasal noong 2001.
Ikinasal din ang actress sa DJ na si KC Montero hanggang maghiwalay sila noong 2012.
Mayroon din itong anak sa nakarelasyon na si Lee Paulsen.