-- Advertisements --

Isasama na rin ng Senate blue ribbon committee sa mga kakasuhan kaugnay ng mga kontrobersiya sa PhilHealth sina dating Budget Sec. Florencio “Butch” Abad, dating PhilHealth chief Alex Padilla at dating Health Sec. Janette Garin.

Ayon kay committee chairman Sen. Richard Gordon, hindi lamang ang kasalukuyang mga opisyal ang nakitaan nila ng hindi tamang paggamit ng pondo, kundi maging ang mga nakaupo sa nakaraang administrasyon.

Sinabi ng senador na sina Abad, Garin at Padilla ay nagkaroon ng maling paggastos ng P10.6 billion PhilHealth funds para sa hindi tapos na proyekto at hinihinala nitong napunta ang malaking halaga sa politika.

BLUE RIBBON ON PHILHEALTH

Habang sa hanay ng mga kasalukuyang opisyal, sinabi ni Gordon na ang tunay na mafia sa PhilHealth ay ang mga nasa regional office na kumakamal ng malaki para sa kanilang mga sarili.

BLUE RIBBON ON PHILHEALTH 2

Giit ng mambabatas, naabuso ang cataract case rates noong 2009, na may claims na P17.35 billion.

Habang ang disbursed budget para 4.76 million pneumonia patients mula 2014 hanggang 2020 ay nasa P68.65 billion.