-- Advertisements --

ILOILO CITY – Naniniwala si dating Department of Health (DOH) Secretary at ngayo’y Iloilo 1st District Rep. Janette Garin na may nagbibigay ng fake news upang pag-awayin sila ng vaccine czar na si Carlito Galvez Jr.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Garin, sinabi nito na may sumusulsol kay Galvez na hinahakot nito ang lahat ng mga bakuna sa Iloilo 1st district.

Ayon kay Garin, labis siyang nasaktan sa mga binabatong pahayag sa kanya ni Galvez.

Pinayuhan naman ng mambabatas si Galvez na iwasan nito na maging “balat sibuyas” at tanggapin ang mga kritisismo bilang vaccine czar.