-- Advertisements --

MANILA – Malaki raw ang tsansa na sa pagtatapos pa ng 2021 o sa unang bahagi ng 2022 makakatanggap ang Pilipinas ng bultuhang supply ng bakuna laban sa COVID-19, ayon kay vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr.

DOH 11092020 1
IMAGE | DOH handout/November 9, 2020

“Realistically tinatawag natin na worst case scenario, yung end of 2021 or early 2022 ang pinaka-main bulk ng vaccine,” ani Galvez sa DOH media forum.

Ayon sa opisyal, anim na buwan ang gugugulin sa pagbuo ng plano at paghahanda ng vaccine implementation, kaya naman daw ang aasahan pa lang ng bakuna pagdating ng Mayo o Hulyo 2021 ay ang mula sa bilateral arrangements ng Pilipinas, tulad ng sa COVAX facility.

Ibig sabihin, hindi pa buong populasyon ng bansa ang mababakunahan.

Sa ilalim ng vaccination roadmap ni Galvez, na aprubado ng Inter-Agency Task Force, pitong stages ang pagdadaanan ng mga bakunang papasok ng Pilipinas.

Mula sa evaluation at selection na siyang pinaka-critical na hakbang, hanggang sa procurement o pagbili, produksyon at storage, distribusyon at monitoring sa mga binakunahan.

DOH 11092020 2
IMAGE | DOH handout/November 9, 2020


“May anim tayong task group at mga expert consultant tulad ng World Health Organization at different experts na tutulong sa atin through all the process that we’ll be doing. Hindi kaya ng pamahalaan na isagawa ang mga plano ng nag-iisa.”

DOH 11092020 3 1
IMAGE | DOH handout/November 9, 2020

Sa kabila nito sinabi ni Galvez na naka-depende sa mga lumalakad na negosasyon at planong kasunduan ng Pilipinas sa ibang bansa, ang posibilidad na mas maagang makakatanggap ang estado ng COVID-19 vaccine.

“But as of this moment kapag naging maganda ang roll out ng ibang vaccine and then maging maganda rin ang ating engagement and we can close this year mayroon tayong pag-asa.”

Target ng gobyerno na makakuha ng 50-milyong bakuna para sa 25-milyong Pilipino sa susunod na taon. Ito ay sa pamamagitan daw ng nilalakad nang government-to-government at multilateral arrangement sa mayayamang bansa.

Sa ilalim kasi ng sinalihang COVAX facility, 20% lang ng populasyon ng mga sumaling bansa ang may garantiya na makakatanggap ng COVID-19 vaccine.

Bukod dito, pinaplano rin daw ng pamahalaan ang pakikipag-kasundo sa ilang institusyon tulad ng World Bank at ang inaasahang pangako ng Amerika.

Aminado rin kasi si Galvez na hindi sapat ang alokasyon na P2.5-bilyong pondo para sa COVID-19 vaccines, sa ilalim ng 2021 national budget.

“Mayroong bilateral arrangement with the DOST, nakita natin noong panahon na nandito sa President (Donald) Trump nag-usap sila ng presidente (Duterte), na ipa-prioritize ng US ang Philippines. Through Pfizer and other companies like Moderna and Novavax, mayroon tayong initial arrangement with DOST and vaccine experts.”

Kapag dumating ng ang bakuna sa Pilipinas, nais ni Pangulong Duterte na unana maturukan ang medical frontliners, pati na ang mga pulis, sundalo, mahihirap at sektor ng matatanda.