Iniulat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagkaroon ng mahalagang pag-unlad sa usapan ng Cambodia at Thailand matapos ang trilateral meeting sa Cebu.
Kasama sa pulong sina Cambodian Prime Minister Hun Manet at Thai Prime Minister Anutin Charnvirakul kung saan natalakay ang mga kasunduan at susunod na hakbang para sa kapayapaan.
Binigyang-diin ng Pangulo na muling pinagtibay ng dalawang lider ang kahalagahan ng bukas na komunikasyon, pagpipigil sa tensyon, at mapayapang pagresolba ng alitan.
Inatasan ang mga foreign minister ng Cambodia at Thailand na ipagpatuloy ang tapat na pag-uusap upang mapanatili ang katatagan sa rehiyon.
Ikinatuwa rin ni Marcos ang pagpapalawig ng mandato ng ASEAN Observer Team (AOT) ng tatlong buwan para sa masusing pagsubaybay sa kasunduan.
Nagpasalamat sina Hun Manet at Anutin kay Marcos sa pangunguna sa talakayan at nangakong ipagpapatuloy ang diplomasya at dayalogo para sa kapayapaan.










