-- Advertisements --

Kinumpirma ng vaccine czar na si Carlito Galvez Jr., na may inaasahan pang darating na one million doses ng Sinovac at nasa 2.2 million doses naman ng Pfizer vaccines na nakatakdang darating sa June 10.

Ito’y kasunod ng pagdating sa bansa ng panibagong one million doses ng Sinovac vaccine na target muna ipamahagi sa mga probinsiya na mataas ang kaso ng Coronavirus Disease (COVID).

Inaasahan ang pagdating ng dalawang milyong doses ng AstraZeneca COVID vaccines sa susunod na dalawang linggo na mula sa COVAX facility ng World Health Organization.

Kabilang sa mga vaccine brands na nai-deliver na sa bansa ay Sinovac, AstraZeneca, Pfizer-BioNTech at Sputnik V.

Bukas, unang Lunes sa buwan ng Hunyo ay pangungunahan ni Health Secretary Francisco Duque III ang ceremonial rollout ng COVID-19 jabs para sa A4 category o mga economic frontliners.

Bukas din aniya sisimulan ang simultaneous jabbing para sa A1, 2, 3 at A4.

Gagawin ang ceremonial inoculation sa SM Mall of Asia sa Pasay City ganap na alas-10:00 ng umaga.

Makakasama nina Duque at Galvez sa ceremonial vaccination sina Presidential spokesman Harry Roque, at treatment czar Vince Dizon.

Target ng gobyerno na mabakunahan ang nasa 35.5 million workers na nasa A4 category.