-- Advertisements --
Nagkasundo ang mga Group of Seven leaders na magbigay ng one billion doses ng COVID-19 vaccine sa buong mundo.
Ito ang napagkasunduan sa isinagawang G7 summit ang grupo ng mga matataas at malalakas na bansa sa mundo.
Idadaan ito sa sharing and financing schemes.
Matapos kasi na ianunsyo ni US President Joe Biden na magdodonate ito ng 500 milyon doses ng Pfizer vaccine ay nagpahayag din si United Kingdom Prime Minister Boris Johnson na magpapamahagi ng 100 million doses ng COVID-19 vaccine.















