-- Advertisements --

Nagtala ng mataas na kaso ng COVID-19 sa loob ng isang araw ang France.

Mayroong mahigit 20,294 na bagong kaso ng coronavirus infection ang bagong nai-record.

Ito ang unang pagkakataon na nagtala ng ganoong kalaki na mga kaso ang France mula pa noong Agosto 25.

Ayon sa health ministry ng France, mayroong kabuuan na 7.33 milyon ang nasabing kaso.

Tumaas din ng 10% ang bilang ng mga pasyente na itinatakbo sa mga pagamutan.

Nagpapasalamat pa rin ang health ministry ng France dahil sa mas mababa pa rin sila kumpara sa katabing mga bansa gaya ng Germany, Britain at Belgium.