Muling nakapasok sa finals ng FIFA World Cup ang defending champion na France.
Ito ay matapos talunin ng ranked number 4 na France ang ranked 22 na Morocco sa score na 2-0 sa semifinals match na ginanap sa Al Bayt Stadium.
Ito na ang pangalawang sunod na taon na makapasok sa finals ang France kung saan nakuha nila ang kampeonato noong 2018 FIFA World Cup na ginanap sa Russia.
Sakaling magwagi ay mapapantayan na nila ang Brazil na nakakuha ng back-to-back World Cup titles na nangyari noong 1962.
Sa unang limang minuto lamang ng laro ay naipasok agad ni Theo Hernandez ang goal.
Ginawa ng Morocco ang kanilang makakaya para pantayan ang puntos subalit naging mahigpit ang depensa ng France.
Sa pagpasok ng second half ay naipasok ni Randal Kolo Muani ang goal sa loob ng 79 minuto.
Makailang beses na nagtangka ang Morocco na maipasok ang goal pero hindi bumitiw ang defending champion na hinigpitan pa lalo ang depensa hanggang maubos na ang oras.
Makakaharap ng France ang Argentina sa Finals sa Linggo Disyembre 18 ng alas-11 ng gabi habang ang Morocco ay makakaharap ang Croatia para sa runner-up sa Sabado Disyembre 17.