Nagbubunga na ang mga nakuhang investments ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., mula sa kaniyang mga biyahe sa abroad.
Ayon kay Philippine Economic Zone Authority (PEZA) Director General Tereso “Theo” Panga ang investment na nakuha ng Pangulo mula sa mga foreign investors ay halos kalahati ng kabuuang pamumuhunan na inaprubahan ng PEZA na P75 bilyon mula sa P175.7 bilyon na investments na inaprubahan.
Ang P175.7 bilyong halaga ng kabuuang pamumuhunan ay nakakuha ng green light mula sa PEZA noong 2023, na nagkaroon ng 25% na pagtaas mula sa P140.7 bilyon noong 2022.
Sinabi ni Panga, ang mga biyahe ng pangulo ay “napaka-epektibo” at naging instrumento sa makabuluhang pagtaas pamumuhunan sa bansa.
“I would say that it’s because of the President reaching out to people and economies and taking advantage of our FTAs [free trade agreements] that we as a nation are able to attract investments. The President is very clear in his messaging that the Philippines is ready to attract investments,” pahayag ni Panga.
Gayunpaman, idinagdag ni Panga, ang mga pamumuhunan na ito ay maaari lamang itulak at aktwal na magkaroon ng hugis kung ang mga tamang patakaran ay nasa lugar upang mapadali at suportahan ang mga ito.
Ang tinutukoy ng PEZA chief ay ang kasalukuyang moratorium sa pagtatatag ng ecozones sa Metro Manila sa ilalim ng Administrative Order No. 18 (AO18) noong 2019.
“New entrant investors have always preferred the National Capital Region (NCR) as the location for their businesses. Unfortunately, with the moratorium in place, we might be limiting the scope of new partnerships and slowing down our development,” pahayag ni Panga.
Inihayag din ng PEZA chief na kung nais natin masustine ang paglago ng IT-BPM sector para sa susunod na apat na taon na may annual target na 10% increase sa exports at makakabuo ng 200,000 na trabago mahalaga na paghandaan ang mga locations para sa bago at pagpapalawak ng IT locators.
Paliwanag naman ni Panga na kapag naipatupad ng maayos ang CREATE law sa National Capital Region, masususportahan nito ang panawagan ng ilang local government units sa Metro Manila na pinagkaitan bunsod ng moratorium na maging host ng IT parks at locator companies sa ilalim ng kanilang hurisdiksyon.
Dagdag pa ni Panga na kaisa sila sa hangarin ng Pang. Ferdinand Marcos Jr na i-roll-out ang red carpet para sa mas maraming investments ang magbubukas sa bansa.
“This is why we find it truly necessary to ensure that we have sound regulatory policies in place, maximizing the potential of every new partnership coming our way,” pahayag ni Panga.