TUGUEGARAO CITY- Nagsasagawa ng forced evacation ang mga otoridad sa mga residente sa Brgy. Silagan, Allacaoan, Cagayan.

Sinabi ni Engr. Erick John Ganaden ng MDRRMO Allacapan na ito ay tugon sa rekomendasyon ng Office of the Civil Defense matapos na may makitang bitak ang dam sa nasabing lugar at pinangangambahan na ito ay bibigay.

Ayon kay Ganaden, nasa mahigit 40 families o 216 individuals na ang kanilang inilikas sa municipal gym.

Nanawagan din si Ganaden sa mga barangay sa kalapit na bayan ng Ballesteros na malapit sa dam na lumikas na rin bilang precautionary measure.

Samantala, sinabi ni Ganaden na humupa na ang tubig baha sa Allacapan.