Tuluyan ng kinansela ng Formula ang kanilang mga karera sa Singapore, Japan at Azerbaijan.

Ayon sa Formula One, nagkaroon sila ng logistical problem kaya nagpasya na sila na kanselahin ang nasabing mga events.

Sa inilabas din na kalatas ng Formula One na dahil sa patuloy pa rin ang problema sa coronavirus kaya minabuti na nilang kanselahin ang mga events.

Nauna rito kinansela nila ang Australian Grand Prix noong Marso dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus.

Bukod sa Australia ay kinansela na rin nila ang mga karera sa Monaco, France at Netherlands.