-- Advertisements --
Alex Zanardi
Alex Zanardi/ Twitter Image

Nananatiling nasa artificial coma si ex-formula One driver at four time Paralympic gold medalist Alex Zanardi.

Ito ay matapos na magtamo siya ng severe head injuries dahil sa cycling race crash.

Naganap ang insidente ng lumahok ito sa ‘Obiettivo tricolore’ relay race sa Tuscany, Italy.

Base sa imbestigasyon, nakatawid na ito sa linya ng may biglang dumating na truck na hindi na niya naiwasan.

Agad itong dinala sa Santa Maria alle Scotte hospital in Siena at sumailalim sa tatlong oras na emergency neurological surgery dahil sa facial head injuries.

Kapwa putolo ang dalawang hita ng 53-anyos na si Zanardi dahil sa motor racing accident halos 20 taon na ang nakakalipas.

Naging kampeon sa Formula racing sa Jordan, Minardi at Lotus bago ito lumipat sa CART racing sa US kung saan naging kampeon ito sa mula 1997 hanggang 1998.

Noong Setyembre 2001 ay naaksidente ito sa Formula 1 racing sa bilis na 320 kph sa Lausitzring, Germany na nagresulta sa pagkakaputol ng dalawang paa hita nito.

Hindi ito nawalan ng pag-asa dahil gamit ang kaniyang prothetic legs ay bumalik siya sa para makipag-kumpetinsiya sa European Touring Car Championship noong 2003 at minaneho ang BMW.

Nagkakuha ito ng maraming medalya sa 2012 at 2016 Paralympics at world championships.

Naghahanda na rin ito sa pagsabak niya para sa Tokyo Olympics.