Nabigo si Eduard Folayang na mahigitan ang lakas ni Eddie Alvarez matapos na matalo ito sa pamamagitan ng submission sa unang round ng ONE: Dawn of Heroes na ginanap sa Mall of Asia Arena.

Naging maganda ang simula ng dating ONE lightweight world champion ng malinis na dumapo ang mga suntok at sipa nito kay Alvarez.

Nakuha ni Alvarez ang likod ni Folayang at doon na siy nailocked nito at bumigay ang Team Lakay fighter sa loob ng 2:16 ng unang round.

Dahil sa panalo ay pasok na sa finals ng ONE lightweight world grand prix kung saan makakaharap nito si Saygid “Dagi” Arslanaliev.