-- Advertisements --
Nagtaas muli ng flood alert ang Pagasa sa ilang bahagi ng Luzon, bunsod ng umiiral na habagat.
Partikular na binibigyan ng babala ang mga nasa Central Luzon, Southern Tagalog, Ilocos, Cordillera regions, pati na sa Metro Manila at Cagayan valley regions.
Ang malakas na pag-iral ng southwest monsoon ay sinasabing dahil sa paghatak ng typhoon Fabian.
Huling namataan ang bagyong ito sa layong 525 km sa hilagang silangan ng Itbayat, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 150 kph at may pagbugsong 185 kph.
Sa ngayon, nananatili ang tropical cyclone wind signal number one (1) sa Batanes at Babuyan islands.