Nananatili ang flood alert sa Esatern Visayas at Bicol region dahil pa rin sa epekto ng typhoon Bising.
Ayon sa Pagasa, kabilang sa inaasahang makakaranas ng malalakas na ulan ang Samar at Leyte provinces, pati na ang Biliran, gayundin sa Camarines provinces, Catanduanes, Albay, Masbate at Sorsogon.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 475 km sa silangan ng Infanta, Quezon.
Kumikilos ito nang napakabagal sa direksyong pahilaga hilagang kanluran.
May taglay itong lakas na 175 kph at may pagbugsong 215 kph.
Signal no. 2:
Eastern portion ng Cagayan, eastern portion ng Isabela at Catanduanes
Signal no. 1:
Batanes, natitirang bahagi ng Cagayan kasama na ang Babuyan Islands, nalalabing bahagi ng Isabela, Quirino, Apayao, eastern portion ng Kalinga, eastern portion ng Mountain Province, eastern portion ng Ifugao, northern portion ng Aurora, eastern portion ng Quezon kasama na ang Polillo Islands, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Northern Samar, northern portion ng Samar at northern portion ng Eastern Samar
















