ILOILO CITY – Binigyang pagkilala ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang flagship station ng Bombo Radyo Philippines sa isinagawang “virtual” celebration ng 85th Founding Anniversary.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Atty. Russel Ildesa, director ng SEC-Region VI, sinabi nito na ang karangalan ay iginawad dahil sa suporta ng Bombo Radyo Philippines sa mga inisyatibo ng SEC ngayong taon partikular na sa investor protection.
Ang Bombo Radyo Philippines at SEC ay matagal nang nagtutulungan na “hand-in-hand” para maipalaganap ang mas ligtas na gawain, hindi lamang sa publiko kundi pati sa mga masisipag na indibidwal na madalas nabibiktima sa tinatawag na outside pressure at mga scam.
Ayon kay Ildesa, ang Bombo Radyo Philippines ay siyang kasama nila sa pagsugpo sa panloloko ng big time scammer na Chiyuto Double Your Money Scheme na pinangunahan ni Don Patrocenio Chiyuto.
Ang Bombo Radyo Philippines lang aniya ang nag-iisang radio network na hindi tumitigil sa pagbalita sa mga investment scam, bagay na labis na pinasasalamatan ng SEC.