-- Advertisements --

ILOILO CITY – Magsasagawa ng sabayang dugong bombo ang flagship station ng bombo radyo philippines ngayong araw sa probinsya ng iloilo.

Kabilang na dito ang Passi City at sa bayan ng Oton.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Passi City Mayor Atty. Stephen Palmares, sinabi nito na sasamahan ng 301st Infantry (Bayanihan) Brigade ng Philippine Army at DepEd- Division of Passi City ang gaganaping dugong bombo.

Mayroon ring mga walk ins na sumusoporta sa voluntary blood donation at ilang mga grupo sa ibat-ibang sektor ng komunidad.

Isinisiguro naman ng Local government unit ng Passi City at bayan ng Oton, Iloilo na masusunod ang minimum health protocols kasabay ng dugong bombo.

-- Advertisement --