Ipinagkibit balikat lamang ni First Lady Liza Marcos ang alegasyon ni dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co na nagtangka ipatigil ang imbestigasyon ng Kamara kaugnay sa pagtaas ng presyo ng sibuyas dahil nasasangkot umano ang kaniyang kapatid na si Martin Araneta.
Batay sa naging imbestigasyon ng Kamara nuong 2022 nabunyag na may cartel sa sibuyas at nag kokontrol sa presyo nito.
Sa alegasyon ni Co, tumawag umano ang Unang Ginang kay dating Speaker Martin Romualdez at pinapatigil ang imbestigasyon.
Tumanggi ng mag komento sina Pangulong Marcos at FL Liza sa mga banat ni Co dahil alam naman nila na wala itong katotohanan.
“ Kilala po natin ang First Lady kung papaano mag-react sa mga ganitong negatibo na mga balita, mga kuwentong walang basehan – magkikibit-balikat lang ang First Lady. Alam natin kasi at alam niya kung ano ang katotohanan, at iyon ay may mga taong nagtatanggol at nagsasabi kung ano nga ba iyong nangyari,” pahayag ni USec. Claire Castro.
















