-- Advertisements --

Na-upset nang nangungulelat na Detroit Pistons ang Boston Celtics, 96-93.

Dahil dito nakaisa na rin ng panalo ang Piston matapos ang sunod-sunod na apat na talo.

boston celtics pistons detroit

Ang Celtics naman ay lumasap ng ikatlo nilang talo at meron ding tatlong panalo.

Nanguna sa first win ng Piston sina Jeremi Grant na may 24 points at si Derrick Rose na nagpakita ng 17 points.

Umabot pa sa 21 points ang kalamangan ng Pistons sa first half pa lamang pero nagtangkang makahabol ang Boston at mailapit ang score.

Doble kayod ang ginawa ni Jayson Tatum na may 28 points at si Jaylen Brown na nagpakita ng 25 puntos pero nabigo sa kanyang 3-pointer sa final seconds.