-- Advertisements --
Trump
Donald Trump / FB image

SEATTLE – Nanawagan si US President Donald Trump sa kaniyang mga kababayan na maging kalmado at huwag mag panic, matapos maiulat ang kauna-unahang fatality mula sa deadly novel coronavirus sa Estados Unidos.


Batay sa ulat ng US Health Officials ang nasawing indibidwal ay namatay sa Washington.

Hindi pa rin mabatid kung saan nakuha ng nasabing indibidwal ang nasabing virus.

kasalukuyang tini-trace na ng mga health officials kung saan nito nakuha ang virus.

Nasawi ang nasabing pasyente mula sa King Country ang isa sa most populous state sa Seattle na may 700,000 population.

“The victim was in his 50s and had “underlying health conditions,” pahayag ni Jeff Duchin, public health officer for Seattle and King County.

“It is a sad day in our state as we learn that a Washingtonian has died from COVID-19,” pahayag ni Washington state Governor Jay Inslee.

Nag deklara na si Inslee ng state of emergency dahil coronavirus.

Sa isang news conference sa White House, inihayag ni US Pres. Donald Trump na posibleng tumaas pa ang bilang ng mga pasyente na nahawa ng COVID 19.

Tiniyak ni Trump na nakahanda ang Amerika para tumugon sa nasabing deadly virus.
“Our country is prepared for any circumstance,” Trump insisted, calling on “the media and politicians and everybody else involved not to do anything to incite panic.”

“While there is still much to learn about the unfolding situations in California, Oregon and Washington, preliminary information raises the level of concern about the immediate threat for COVID-19 for certain communities in the United States,” pahayag ng CDC.

Nakatakda namang pupulungin ni Trump ang mga leaders ng malalaking pharmaceuticals groups sa White House para talakayin kung ano ang mga posibleng medical treatment sa nasabing deadly virus.

Pag-uusapan din ang posibleng pag develop ng vaccine laban sa COVID 19.

Sa ngayon nasa 70 cases na ng COVID 19 ang naitala sa Amerika.

“We will see more cases,” pahayag ni Health Secretary Alex Azar.

“But it’s important to remember, for the vast majority of individuals who contract the novel coronavirus, they will experience mild to moderate symptoms.”

Pinayuhan naman ng US government ang kanilang mga kababayan na huwag muna bumiyahe para makaiwas sa nasabing coronavirus. (AFP)