ILOILO CITY – Patuloy pa rin sa pagtaas ang kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Western Visayas.
Sa ngayon, umaabot na sa 197 ang nagpositibo sa COVID-19 sa rehiyon kung saan ang pinakahuling nadagdag sa talaan ay mga locally stranded individuals na sa ngayon ay naka-home at facility quarantine.
Samantala, muling nagpositibo sa COVID-19 ang kontrobersyal na firewoman na nag-party sa Boracay at Antique kasama ang sinibak na regional director na si Fire Senior Superintendent Roderick Aguto at iba pang personnel.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Dr. Ma. Sophia Pulmones, pinuno sang Local Health Support Division ng Department of Health-Region 6, sinabi nito na nagpositibo sa repeat test ang firewoman na nakatalaga sa Finance Management Division ng Bureau of Fire Protection-(BFP) Region 6.
Napag-alaman na umaabot sa 164 na tauhan ng BFP-Region 6 ang naka-close contact ng COVID-19 positive na bombero na nanggaling sa Cebu City at tumakas sa quarantine facility kahit na hindi pa natapos ang 14 day quarantine period.