Pumanaw na si Finnish cue artist Mika Immonen sa edad na 52.
Ayon sa kampo nito na hindi na niya nakayanan ang pakikipaglaban nito sa cancer.
Tinawag na “The Iceman” ay makailang beses ng bumisita sa bansa at nakaharap ang mga sikat na billiard star ng bansa gaya nina Efren “Bata” Reyes”, Francisco “Django” Bustamante at maraming iba pa.
Ilan sa mga hindi malilimutang laban nito sa bansa ay noong nagwagi siya sa 2003 Philippine 9-Ball Open laban kay Reyes, 2009 WPA World 10-Ball Championship laban kay Lee Vann Corteza at noong 2012 World Cup of Pool para sa Finland kasama ang kababayan na si Petri Makkonen.
Miyembro siya ng Billiards Congress of America Hall of Fame ng magtagumpay sa 2001 World Pool Championship laban kay Ralf Souquet ng Germany.
Siya rin ang two-time US Open winner noong 2009 at 2009.
Bumuhos naman ang pakikiramay mula sa iba’t-ibang mga billiard players sa mundo matapos malaman ang malungkot na balita.