Naging matagumpay ang isinagawang test flight ng Space X.

Sa rehearsal na isinagawa sa Kennedy Space Center makikita ang Falcon-9 rocket na mabilis na lumipad pataas.

Matapos ang 80 seconds ay lumabas ang Dragon astronaut capsule sa escape engines nito.

Bumagsak ito habang naka-parachute na may 30 kilometro ang layo sa karagatan ng Florida.

Walang anumang laman na tao ang Dragon ship at naglalaman ito ng Anthropomorphic Test Device o mga “dummies”.

Itinuturing ito na huling test mission ng Space X bago ang pag-sertipika ng NASA na magdadala ng astronauts sa International Space Station (ISS) ngayong taon.