-- Advertisements --

Ikinagalak ng mga Filipino Community sa Doha, Qatar ang pagbisita sa kanila ni Vice President Sara Duterte kasama si Senator Imee Marcos.

Lumahok ang bise at senador sa iba’t-ibang serye ng aktibida kasama ang mga Overseas Filipino Workers sa naturang lugar.

Ayon sa Office of the Vice President, walang isinapublikong interview ang dalawang opisyal bilang pagtalima sa mahigpit na panuntunan ng Qatar hinggil sa pampublikong pagtitipon.

Kasama rin ng bise sa pagbisita sa Qatar ang kanyang ina na si Elizabeth Zimmerman.

Sa isang post online , sinabi ni Sen. Imee Marcos na siya ay inimbetahan ni VP Sara para magtungo sa Qatar para makasama ang mga Pinoy doon.

Kung maaalala, aabot sa 17 Filipinos ang inaresto at ikinulong sa Doha noong March 27 matapos na magsagawa ang mga ito ng ilegal na pagtitipon kasunod ng pagkaka aresto kay FPRRD.

Makalipas ang ilang linggo ay pinalaya ang mga ito kasabay ng pagbasura sa kanilang kasong illegal assembly.

Nakatakda namang magtungo ang bise sa The Hague, Netherlands para bisitahin ang kanyang ama sa darating na Mayo 30 at Hunyo 2-3.