KALIBO, Aklan—Nasaksihan ang tila pagbisita sa isla ng Boracay ni Filipino-American Victoria’s Secret runway model Kelsey Merritt.

Makikita sa facebook post ng Pinay International model na nakasuot ito ng bikini string habang nakatayo sa terrace ng isang hotel sa isla malapit sa front beach.

Kaugnay nito, makikita rin ang kulay asul na tubig-dagat at mala-pulbos na puting buhangin sa larawan ng model habang ito ay naglalakad sa dalampasigan ng Boracay.

Si Merritt ang kauna-unahang Pinay model na rumampa sa sikat at pinag-uusapang Victoria’s Secret Fashion Show.