Napiling kumatawan ng Austria sa prestiyosong Eurovision music contest si Filipino-Austrian singer Vincent Bueno.

Sinabi nito na kahiti na magiging representative ito ng Austria ay iwawagayway pa rin nito ang bandila ng Pilipinas.

Bagamat isiinilang si Bueno sa Austria ay nagtrabaho ito sa Philippine music industry na mayroong impluwensiya sa OPM at R&B pop music.

Inamin nito na mayroong kumbinasyon ng European at Philippine music ang kaniyang musika.

Gaganapin ang nasabing Eurovision music contest sa Rotterdam, the Netherlands mula Mayo 18 hanggang 20, 2021.