-- Advertisements --
Tuluyan ng kinansela ang Eurovision Song Contest dahil sa banta ng coronavirus 2019 o COVID-19.
Ito mismo ang inanunsiyo ng organizers at ito rin ang unang pagkakataon na kanselahin ang nasabing kompetisyon.
Ikinalungkot naman ng European Broadcasting Union ang nabanggit na balita.
Gaganapin sana ngayong taon ang contest sa Rotterdam City sa Holland.
Nagsimula ang Eurovision noong 1956 kung saan ilan sa mga pinasikat nitong grupo ay ang Abba.
Noong nakaraang taon ginanap ito sa Tel Aviv, Israel na pinanood ng mahigit 182 million katao sa buong mundo.