Nanguna ang Filipino American na si Jordan Clarkson sa panalo ng Utah Jazz laban sa Dallas Mavericks, 123-119.

Dinala ni Clarkson ang team gamit ang 25 points, 8 assists at 5 rebounds bago siya na fouled out, may apat na minuto ang nalalabi sa 4th quarter.

-- Advertisement --

Malaki rin naman ang ambag ng kanilang sentro na si Rudy Gobert na may 17 points liban pa sa perfect 7 of 7 sa field.

Kapwa naman may tig-23 points sina Donovan Mitchell at Bojan Bogdanovic.

Ito na ang ikatlong sunod na panalo ng Utah para makatipon ng 35 wins.

Ang Mavs naman ay nasadlak sa 32-22 na minalas pa at hindi pa rin nakakapaglaro dahil sa injury ang All-Star point guard na si Luka Doncic.