-- Advertisements --
Hindi pinayagan ng FIFA ang hiling ni krainian President Volodymyr Zelensky na magbigay ito ng mensahe sa closing ceremony ng World Cup sa Qatar.
Nais kasi ng Ukrainian President na maglabas ng video message bago ang gagawing closing ceremony ng World Cup.
Inakala kasi ng lider ng Ukraine na papayag ang FIFA na gamitin ang kanilang platform para sa pagpapalaganap ng kabutihan.
Magugunitang makailang beses na naglabas ng video messages si Zelensky na una ay sa Group of 20 nation summits maging sa Grammys at sa Cannes Film Festiival.















