FFA PRESIDENT
FIFA president Gianni Infantino

Hinihintay na ng Philippine Football Federation (PFF) ang pagdating sa bansa ni FIFA President Gianni Infantino.

Ito ang unang beses na bibisita sa bansa ang Swiss-Italian lawyer matapos na maupo noong 2016.

Ayon kay Philippine Football Federation president Mariano “Nonong” Araneta, na pag-uusapan sa pulong ang mga iba’t ibang proyekto na pinondohan ng FIFA.

Kabilang dito ang National Training Center na matatagpuan sa Carmona, Cavite.