Kapwa umatras na sa quarterfinals ng Italian Open sina Roger Federer at Naomi Osaka dahil sa injury.

Kasunod ito ng matagumpay nilang panalo sa ikalawang round ng nasabing torneo.

Nagtamo ng injury sa kaniyang kanang hita ang Swiss tennis superstar ng talunin niya si Borna Coric ng Croatia.

Sa kaniyang social media account ay inilabas ni Federer ang kaniyang pagkadismaya.

Inury naman sa kaniyang daliri ang dahilan ng pag-atras ni Osaka.

Sinabi nito pinilit niyang mag-ensayo subalit hindi na niya ito nakayanan.
Mananatili pa rin sa number 1 spot si Osaka habang papunta sa French Open.