Nakatakdang bumuo ng task force ang Food and Drug Administration kasama ang ibang ahensiya ng gobyerno at law enforcement agencies para tugunan ang talamak na problema sa mga pekeng advertisement online.
Ayon kay FDA Director General Dr. Samuel Zacate nakikipag-ugnayan na sila sa National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) hinggil dito at ginagawan na nila ito ng paraan para mapanagot ang mga nasa likod nito.
Aminado si Dr. Zacate na malaking hamon para sa kanila ang pagtugis sa mga ito dahil wala naman itong mga permanenteng address na maaring puntahan.
Kapag magpapadala sila ng subpoena tini-takedown lang ng mga ito ang kanilang post online at saka gagawa uli ng bagong post.
” So, ang problem lang po kasi dito sa mga online ulitin ko po, since the last interview, when the post they can always take down the post. So, if we see’s the product, if we give a subpoena or summon to those fake advertises, we need a certain location, kinakailangan namin ma-served iyong notice sa kanila. And ang problema doon karamihan po diyan mga wala naman pong opisina, kasi nga po peke eh ‘di ba?,” wika ni Zacate.
Ayon kay Zacate nagpasaklolo na sila sa NBI para i-locate ang mga nasabing indibdwal.
Ibinahagi ng opisyal na kanilang inilunsad nuong nakaraang taon ang Oplan Katharos laban sa mga pekeng gamot.
” So, nahihirapan po kami kaya namin pinapa-national Bureau of Investigation to locate those people, pero sabi nga po namin mas malansa pa po sa isda iyan kapag nakita nilang ini-interrogate sila or ini-investigate sila, they just take down the post, then they will move and they create another one. So, iyan they finding it very difficult, but this year we will have a task force, if [unclear] of different enforcement agency,” dagdag pa ni Dr. Zacate.
Nais ng FDI na magkaroon ng isang unitary enforcement agency na tututok sa pagkalat ng pekeng advertisement online.
” Last year, I launched Oplan Katharos, that’s for the counterfeit medicine. So, this one I think it’s very problematic ‘no, fake advertisement. So, I will launch a task force together with the halimbawa the NBI, the PNP CIDG, the NICA and the patent office the IPO, so that we will a one unitary enforcement agency. So, maybe soon, maybe later this year,” pahayag ni Zacate.