-- Advertisements --

Pipiliin pa rin daw ng karamihang local celebrities ang pagkakaroon lamang ng simpleng Father’s Day celebration bukas, June 21, o ang third Sunday ng June.

Ito’y kahit pa maaari na uli ang mag-dine sa mga restaurants sa limited capacity, kompara noong Mother’s Day nitong May 10 na naka-lockdown pa ang bansa bunsod ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Ayon kay Christopher De Leon, na COVID survivor, sa bahay lamang sila at simple lang kung paghandaan man ng party ng pamilya.

“It’s going to be a very ordinary day. I don’t know what they’re planning. I’m sure a lot of people will be greeting us. So far, ako, I just have to stay home kasi ‘yun nga, naka-quarantine kami. And right now we’re working on our material for our next taping days. But I don’t know with my family. Parang gusto mag-party. But it’s going to be normal,” saad ni Boyet.
Simple dinner lang din para kay Ai-Ai delas Alas kasama ang apat na anak, at bagong asawa.

“Wala, simple lang. Nag-dinner lang kami, and Father’s Day ganun ulit. Dinner lang,” wika ng Comedy Concert Queen.

-- Advertisement --

Maaga namang natanggap ni John Prats ang customized pillow, bilang Father’s Day gift.

Kuwento ng celebrity wife na si Isabel Oli, naiyak si Prats sa naturang simpleng regalo nila lalo’t matagal itong hindi makakauwi dahil sa pagsabak uli sa taping.

“True enough, when Feather gave this to her Papa last night, he got teary-eyed. Simple, but perhaps, one of the most meaningful presents her Papa has ever received. A very fitting gift as well since John will soon be returning back to work and will not be with us for quite some time. He can bring this with him wherever he goes,” ani Oli.

Una na ring nag-post si Heart Evangelista sa tila pre-Fathers “date” nila ng ama na kanya raw sinulit.