SKIMS
SKIMS facemask/ IG post

Sumali na rin ang fashion-mogul na si Kim Kardashian sa paglaban sa coronavirus.

Inilunsad na kasi nito ang kaniyang mga collection na face mask.

Mayroong limang kulay ang facemask na ibinebenta ng 39-anyos na reality star at ito ay kulay Onyx, Sand, Clay, Sienna at Cocoa.

Mabibili ang nasabing mask sa halagang $8 kada isa.

Matapos na ilunsad nito ang kaniyang collection sa knaiyang Twitter account ay mabilis itong naubus.

Sinabi nito sa kaniyang 64 million followers na nakikipag-ugnayan na sila sa mga local partners sa Los Angeles para gumawa pa ng mas marami at mabilis ng nasabing mask.

Ayon sa kumpanya nitong Skims na ang ilang bahagi ng kikitain nito sa mask ay mapupunta sa coronavirus relief efforts.