CAGAYAN DE ORO CITY-Pagkamulat ng buong bayan sa tunay na ang anyo ng Communisty Party of the Philippines -New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) ang dala ng ginawang imbestigasyon ng senate committee on national defense sa bansa nitong araw.
Ito ay matapos inilalag ng tuluyan ni Jeffrey ‘Ka Eric’ Celiz ang mga nangyayari sa loob ng kilusang batay sa kanyang naging partisipasyon at papel noong kapanahunan nito na aktibo pa sa grupo.
Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni 4th ID,Philippine Army spokesperson Maj Jhun Cordero na isang mabuti na pagkakataon na nadala sa usaping ng senado ang isyu ng ‘red-tagging’ na unang inaakusa kay AFP Southern Luzon Command chief Lt Gen Antonio Parlade Jr ng umano’y pinahinay-hinay nito sina actress Angel Locsin, Liza Soberano at 2018 Ms Universe Catriona Gray na makikitungo ng grupong Gabriela.
Inihayag ni Cordero na ang pagbubunyag umano ni Celiz ay malaking tinik at magmulat sa publiko kung sino sa panig ng gobyerno at kilusang armado ang nagsasabi ng katotohanan.
Una nang inaakusahan ni Celiz na maging ang mga miyembro ng Makabayan Bloc ng Kamara ay kasalukuyan pang mga konektado sa CPP-NPA-NDF na inaasahan pa naman sana nito na makasagutan sa ginawa na imbestigasyon ng senado nitong araw.
Magugunitang ang 4th ID, Philippine Army ay isa sa mga headquarter na nakabase sa Mindanao na matagal nang lumalaban sa kilusang armado sa ilang probinsya ng Northern Mindanao at buong area ng Caraga Region.