Nahaharap sa 37 criminal charges si dating US President Donald Trump dahil sa pagtatago umano ng mga sensitibong dokumento.
Ang mga dokumento ng nakita ng US Department of Justice ay kinabibilangan ng national defense information, nuclear secrets at obstructions.
Kasama rin na nakasuhan ang close aide ni Trump na si Walt Nauta dahil sa pagbibigay kay Trump ng mga dokumento.
Nakasaad sa dokumento ng korte na noong Enero 17, 2022 ay kasama ni Nauta ang hindi na pinangalanang empleyado ni Trump at kinuha ang 15 kahon mula sa bahay ni Trump.
Inilagay niya ito sa kaniyang truck at dinala sa National Archives.
Sa panayam sa kaniyang ng FBI noong Mayo 2022 ay tatlong beses umano ito nagsinungaling na mayroon siyang kinalaman sa dokumento.
Ang kaso ni Nauta ay kinabibilangan ng conspiracy to obstruct justice, withholding a document or record, corruptly concealing a document at concealing a document in a federal investigation na may kaparusahan ng pagkakakulong ng hanggang 20 taon.
Ito ang unang pagkakataon na maharap sa federal charges ang dating pangulo.
Nakatakdang dumalo sa Miami federal courthouse ang dating pangulo sa araw ng Miyerkules.