Andrei Arlovski
Andrei Arlovski/ iG post

Nagpahayag ng interest si dating UFC heavyweight champion Andrei Arlovski na makaharap si dating heavyweight boxing champion Mike Tyson.

Sinabi ng 41-anyos na si Arlovski, na hindi niya aatrasan ang 53-anyos na beteranong boxer.

Kaya niyang harapin ito ng isang round ng boxing at isang round ng mixed martial arts.

Hindi ikinaila nito na iniidolo niya ang dating boxing champion.

Magugunitang ilan sa mga boksingero na interesadong makaharap ang dating boxing champion kung saan ilan sa mga dito ay sina Australian boxer Sonny Bill Williams at Paul Gallen.