jacob zuma
-- Advertisements --

Umapela ng tulong si dating South African President Jacob Zuma sa kaniyang kababayan na suportahan siya at magbigay ng donasyon.

Gagamitin aniya nito ang nasabing halagang malilikom para sa patuloy na paglaban niya sa kasong kinakaharap nito.

Ibinahagi sa Twitter ng kaniyang foundation ang paghingi nito ng tulong.

May ilang nangako ng tutulong habang ang ilan ay binatikos ang hakbang ng nasabing dating pangulo.

Kasalukuyang nakakulong ng 15 buwan si Zuma dahil sa pagbalewala nito sa pagpapatawag ng korte sa kaniya.

-- Advertisement --

Noong nakaraang linggo din ay sumailalim siya sa hindi na binanggit na uri ng operasyon sa katawan.

Naging pangulo si Zuma mula 2009 hanggang 2018 at napatalsik siya sa puwesto dahil sa alegasyon ng kurapsyon.