-- Advertisements --

Opisyal nang nanumpa sa pwesto si Chief Presidential Legal Counsel (CPLC) Juan Ponce Enrile sa Malacañang ngayong araw.

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang panunumpa ng dating Senate President.

Ayon sa pangulo, buo ang kaniyang tiwala sa kakayahan at karanasan ng opisyal bilang lingkod-bayan.

Dahil dito, umaasa ang Pangulong Marcos na lalong mapabubuti ang pagbibigay ng legal assistance tungkol sa mga magiging aksyon ng kaniyang administrasyon.

Si Enrile ay dati na ring nanilbihan bilang Minister of National Defense noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr., na ama ni President Bongbong Marcos.