-- Advertisements --

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr si dating Supreme Court spokesperson Brian Keith Hosaka bilang executive director ng Independent Commission for Infrastructure (ICI).

Pinirmahan ni Pangulong Marcos ang appointment ni Hosaka nitong Setyembre 24 kung saan ang pagiging Executive Director ay mayroong ranggong Undersecretary base sa Executive Order 94.

Nakasaad sa EO 94 na siyang nagbuo ng ICI na ang trabaho ng executive director ay manguna sa Secretariat Panel na mangagasiwa sa mga polisiya at desisyon ng ICI ganun din ang arawan na trabaho.

Nagsilbing tagapagsalita si Hosaka sa SC sa ilalim ni Chief Justice Alexander Gesmundo, Diosdado Peralta at Lucas Bersamin na ngayon ay Executive Secretary ng Pangulo.

Taong 2023 ng italaga ni Pangulong Marcos si Hosaka bilang komisyoner ng Governance Commission for Government-Owned and Controlled Corporations (GOCC).

Nag-aral si Hosaka sa Ateneo de Manila University mula elementarya hanggang sa law school at nagsimula siyang bilang clerk ng Supreme Court noong 1998.

Nagtrabaho din siya bilang Deputy General Counsel ng Integrated Bar of the Philippines.