Kinumpirma ni dating Department of Health (DOH) Secretary Francsco Duque III na si dating Pangulong Rodrigo Duterte ang siyang nag-utos ng paglilipat ng P47.6 billion na pondo mula sa DOH patungo a PS-DBM noong 2020.
Ito ang inamin ng dating kalihim sa pagdinig ng House of representatives committee on Appropriations sa pagtatanong ni ACT Teachers Party-list Rep. France Castro.
Paliwanag ni Duque na sa naging pronouncement noon ng pangulo sa kanilang mga pagpupulong o Talk to the people, ginawa ang paglilipat ng pondo dahil sa pagdedeklara noong Marso 2020 ng public health emergency sa bansa.
Nag-ugat nga ang naturang isyu a Commission on Audit report kung saan lnatuklasan ang P47.6 billion na cxovid-19 fund kabilang ang mg kontrata ng PS-DBM sa Pharmally Pharmaceutical Corp. na inakusahang nagbebenta sa gobyerno ng overpriced na medical supplies kabilang na ang face mask, face shields at iba pang personal protective equipment sa kasagsagan ng pandemiya.