-- Advertisements --

ILOILO CITY – Labis ang pasasalamat ni dating Philippine National Police chief Camilo Pancratius Cascolan matapos itinalaga ni Presidente Rodrigo Duterte bilang Undersecretary for Special Concerns.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Cascolan, sinabi nito na isang malaking karangalan ang pagtalaga sa kanya ng presidente sa bagong posisyon sa gobyerno kahit na nagretiro na ito.

Ayon kay Cascolan, kasabay ng kanyang pag-upo bilang Undersecretary for Special Concerns, tatlong mga punto ang nais nitong iparating.

Una ang pagpapasalamat niya sa ‘trust and confidence’ na binigay ng presidente, pagsunod sa tamang sistema at pagtiyak na gagampanan niya ng maayos ang kanyang tungkulin upang tulungan ang Duterte administration.

Nakatakda naman itong makipagkita sa presidente sa Lunes sa susunod na linggo.