Patuloy ang pagpapagaling ni dating New York City Mayor Rudy Giuliani matapos na masangkot sa aksidente ang sasakyan nito.
Ayon sa New Hampshire State Police, na binangga ng isang mabilis sa sasakyan ang likurang bahagi ng sasakyan ng dating alkalde.
Dinala agad ito sa pagamutan kung saan na-diagnosed siya ng fractured thoracic vertebrae, ilang mga galos at sugat ganun din injury sa kaniyang kaliwang braso at hita.
Bago ang akisedente ay pinara siya ng isang babae na biktima ng pananakit kung saan habang hinihintay nila ang responde ng 911 emergency ay doon nangyari ang insidente.
Bukod sa dating alkalde ay mayroong dalawang iba pa ang kasamang itinakbo sa pagamutan.
Nagpasalamat naman ang anak ni Giuliani na si Andrew dahil sa pangungumusta sa kalagayan ng dating alkalde.