-- Advertisements --
Inaresto ng mga otoridad ang dating NBA-player si Gerald Wilkins dahil sa kasong pananakit.
Kasalukuyang nasa kustodiya na ng Cobb County, Georgia ang 56-anyos na kapatid ng NBA star na si Dominique Wilkins matapos ang kasong 2 counts of misdeameanor simple battery at 1 count of misdemeanor criminal trespass.
Base sa record ng korte, inatake nito ang ka-trabaho noong Hunyo at nasangkot sa pananakit rin ng sariling asawa.
Naging 2nd round pick ng New York Knicks noong 1985 NBA Draft.
Bago magretiro noong 1999 ay naglaro ito sa mga koponan gaya ng Cleveland Cavaliers, Memphis Grizzles at Orlando Magic.