-- Advertisements --
Binuksan na ang ilang gates ng dalawang dam sa Benguet ngayong Sabado, Agosto 8, para magpakawala ng tubig sa gitna ng tuluy-tuloy at mabibigat na pag-ulan.
Sa Ambuklao Dam, nasa apat na gates ang binuksan ng dalawang metro kaninang umaga para magpakawala ng 281.20 cubic meters per second (cms).
Sa Binga Dam, apat na gates ang binuksan sa dalawang metro at nagpakawala ng 317.53 cms na tubig.
Nauna nang nag-abiso ang state weather bureau na makararanas ng mga pag-ulan ang mga lugar sa Luzon at Visayas sa sunod na 24 oras dahil sa epekto ng pinaigting na hanging habagat.
















