Hindi maitago ni dating Miss Universe Philippines Rachel Peters ang kaniyang pagkadismaya matapos na hindi natuloy ang kasal nito kay Camarines Sur Governor Miguel Luis “Migz” Villafuerte dahil sa banta ng coronavirus o COVID-19.

Sa kaniyang social media post, makikitang itinaas nito ang kaniyang gitnang daliri para maipakita ang galit sa naudlot na kasal.

HIndi naman nito binanggit ang petsa ng kaniyang kasal at nanawagan na lamang ito sa mga mamamayan na maging maingat.

Mahigit limang taon na magkasintahan ang dalawa.