-- Advertisements --

Nakatakdang palayain mula sa pagkakabilanggo si dating French President Nicolas Sarkozy.

Kasunod ito sa desisyon ng korte sa Paris na maaari na siyang mapalaya habang nakabinbin ang apila nito.

Nahatulang makulong kasi noong Setyembre ang dating French official dahil sa criminal consipiracy.

Nasangkot ito sa isang scheme para mapondohan ang kaniyang 2007 presidential campaign na ang pondo ay mula sa Libya kapalit ang diplomatic favor.

Sinabi nito na ang kaniyang 20 araw na pananatili sa loob ng prison facility ay sobrang hirap.