CENTRAL MINDANAO- Alitan sa lupa ang natatanaw ng mga otoridad sa pamamaslang sa dating opisyal ng barangay sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Nemisio Alave Castor, 65 anyos, may asawa at nakatira sa Purok 2 Santan, Barangay Malangag, Antipas, Cotabato.

Sa ulat ng pulisya sa bayan ng Antipas na habang nakaupo lang ang Ex-Brgy Kagawad sa kanilang balkonahe ng kanyang tahanan nang biglang dumating ang suspek at pinagbabaril ito gamit ang kalibre,45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang salarin na nakasuot ng kulay itim na jacket at naka face mask.

Naisugod pa sa pagamutan ang biktima ngunit hindi na ito umabot ng buhay nang magtamo ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan.

Sa ngayon ay may mga person of interest na ang pulisya na iniimbestigahan sa pamamaslang sa dating Barangay Kagawad.